Pahayag ng Kababaihang Bilanggong Pulitikal sa Paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

Kaming mga kababaihang bilanggong pulitikal sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City Jail ay nakikiisa sa paggunita sa pandaigdigang araw ng kababaihan.

Inaresto at ikinulong kami sa panahon ng rehimen ni Arroyo at rehimen ni Benigno Aquino III. Sinampahan ng mga gawa-gawang kasong kriminal. Hanggang sa kasalukuyan ay nagtitiis pa rin sa napakasikip na kulungan sa kabila ng pangako ni Pangulong Duterte na palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal sa bansa. 

Sa paggunita sa mahalagang araw ng kababaihan, patuloy naming ipinapanawagan sa pangulo – Free All our Sisters, Free All Political Prisoners sa buong bansa. 

Ang agarang pagpapalaya sa mga political prisoners ay usapin ng hustisya. Bukod pa sa napagkasunduan ito sa Peace Talks sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GPH) at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), obligasyon din ng GPH ang pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law dahil pumirma siya rito. 

Nananawagan din kami sa administrasyong Duterte na ipagpatuloy ang Peace Talks sa pagitan ng GPH at NDFP para maisulong ang makabayan at demokratikong adhikain ng mga kababaihan at mamamayan.

Humihiling din kami ng suporta sa mamamayan na lalo pang palakasin ang kilusang masa at kilusan ng kababaihan para palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal at para makamit ang tunay na kapayapaan na nakabatay sa hustisya sa buong bansa.

Free All our Sisters!

Free All Political Prisoners!

Ituloy ang Peace Talks sa pagitan ng GPH at NDFP!

Palakasin ang pakikibaka ng sambayanan!

 

Signed:

Taguig City Jail - Female Dormitory, Camp Bagong Diwa 

Gemma Carag

Arlene Panea

Rhea Pareja

Presentacion Saluta

Maria Miradel Torres 

 

Marso 8, 2018